Adjuvant
Ang adjuvant ay isang sangkap sa paggawa ng mga bakuna. Ito ay nakakatulong sa ating katawan na gumawa ng mas malakas na panangga sa sakit. Ang adjuvant ay kasama ng ibang mga sangkap ng bakuna. Sila ay ginagamit na sa bakuna ng mahigit sa 70 taon.
Masamang nangyari (reaksyon)
Anumang hindi inaasahan o seryosong epekto na nangyari pagkatapos ng isang ineksyon o gamot. Isang hindi inaasahan na nangyari.
Masamang nangyari pagkatapos ng pagbakuna (AEFIs)
Isang hindi inaasahang epekto na nangyari pagkatapos mabakunahan. Ang bakuna ay maaaring hindi dahilan ng problema.
Komite ng Pagkokonsultahan tungkol sa mga Pagbabakuna (ACV)
Isang pangkat ng mga eksperto na nagbibigay ng payong pangmedikal at pangsiyentipiko. Ang pangkat ay nakikipag- talastasan sa Ministro ng Kalusugan at sa Therapeutic Goods Administration (TGA) ng Pamahalaang Australya. Sila ay nagbibigay ng payo sa mga usapan tungkol sa kaligtasan at paggamit ng bakuna.
Talamak na reaksyon sa alerdyi
Isang biglaan at talamak na reaksyon sa alerdyi. Maaari itong reaksyon sa pagkain o gamot. Kasama sa mga sintomas ang kahirapan sa paghinga, pagkawalang malay at pagbaba sa presyon ng dugo. Kailangan ng tao ang kagyat na pagkaasikasong medikal at minsan ay nakamamatay.
Antigen
Isang dayuhan (nasa labas) na sangkap katulad ng mga bakterya, mikrobyo o halamang-singaw na sanhi ng impeksyon at sakit kung makakapasok sila sa loob ng katawan. Ang sistemang katawan para di-tinatablan ng sakit ay matitiktikan sila kaya makapaghahanda ng mga anti-bodies para malabanan sila.
Association
Isang ugnayan sa pagitan ng dalawang pangyayari sa kaparehong oras. Dahil sa nangyari silang dalawa sa magkaparehong oras ay hindi ibig sabihin na ang isang pangyayari ang sanhi ng isa pang nangyari.
Walang sintomas
Isang tao na walang palatandaan ng pagka-impeksyon.
Pinahinang bakuna
Ang bakuna ay gumagamit ng mas mahina (attenuated) na porma ng mikrobyo na sanhi ng pagkakasakit. Ang mga bakunang ito ay katulad ng mga natural na impeksyon na tinutulungan nilang labanan. Sila ay gumagawa ng matatag at magtatagal na may kabal laban sa sakit.
Talaan ng Australyanong Imyunisasyon
Isang elektronikong talaan na naglalaman ng impormasyon tungkol sa lahat ng mga bakunang ibinigay sa lahat ng mga Australyano.